2013 failure of election pinangangambahan

PINANGANGAMBAHAN ng ilang kongresista ang pagkakaroon ng failure of election sa 2013 dahil na rin sa kapabayaan ng Commission on Elections sa pag-iimprenta ng mga balota.

Sa isang press conference, sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na iginawad ng National Printing Office (NPO) ang P784 millyong kontrata sa Holy Family Inc. para sa pagsusuplay ng gagamiting balota sa eleksyon.

Binanggit ni Suarez na nakitaan na aniya ng ilang iregularidad ang Holy Family Inc. kung saan hindi maayos ang pagkaka-imprenta ng mga balota na gawa nito matapos ang testing sa sample ballots.

Paglilinaw pa ng kongresista na kung hanggang ngayon ay nagkakaroon pa rin ng mga ganitong problema sa balota ay posibleng pumalya ang halalan sa 2013 at aapela ang mga losing bidder sa korte dahil sa pagpili sa Holy Family Inc.

Aniya ilang buwan ang halalan sa Mayo 2013 ay dapat na aniyang naisaayos na ang mga balota at ilan pang election paraphernalia.

Hirit pa ni Suarez kay Comelec Chairman Sixto Brillantes na aksyunan sa lalong madaling panahon ang pagsasaayos sa imprenta ng balota na aniya’y pangunahing dapat na siguruhin ng komisyon.

Paliwanag pa ng mambabatas na hindi dapat ipinasa ng NPO sa Holy Family o iba ang kompanya ang pag-iimprenta ng balota dahil ito ay maselang isyu.

Ang pag-iimprenta at seguridad aniya sa mga balota ay pinakauso ng electoral exercise kung kaya dapat itong pag-ingatan.

Kabilang sa kinukwestyon ni Suarez ay ang pagdadala ng Holy Family ng walong sample ballots at hindi 1,000 para sa pagsusuri.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply