22 Lippad Transit Bus sinuspinde ng 30 araw

ISINAILALIM  sa 30-araw na preventive suspension ang lahat ng 22-unit ng Lipad Transit bus company na nasangkot sa aksidente  sa South Luzon Expressway, Alabang Muntinlupa City na ikinamatay ng dalawang katao  kahapon ng umaga .

Ayon kay LTFRB Chairman Jaime Jacob, agad nilang ipadadala bukas ang suspension order sa tanggapan ng Lippad Transit na nasa Bagadwa Compound, Tandang Sora QC para sa agarang implementasyon

Bukod dito, pagpapaliwanagin din ng LTFRB ang bus company kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanilang prangkisa.

Isasailalim din sa driving seminars at drug testing ang mga driver at kundoktor ng mga bus habang itinakda naman sa Nobyembre 13 ang pagdinig sa kaso ng Lippad Bus sa ganap na alas-8:00 ng umaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply