24-anyos na binata nagpatiwakal

bangkay

WINAKASAN ng isang 24-anyos na binata ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang silid sa Gen. T. De Leon, Valenzuela City, Marte ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Johm Ernest Serapica, binata, ng Dian St., Road-1 Gen T. De Leon ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuang nakabitin at wala ng buhay ang biktima sa loob ng kanyang kwarto.

Base sa salaysay ng ama ng biktima na si Ernesto 52, nagtaka siya kung bakit tahimik sa kuwarto ng kanyang anak at kasunod nito ay nadiskubreng nakabigti ang biktima gamit ang nylon cord na nakapulupot sa leeg at ang kabilang dulo ay nakatali sa biga ng bahay.

Agad humingi ng tulong si Mang Ernesto sa kapitbahay at kay SPO3 Edwin Malaay na agad namang ipinabatid sa mga tauhan ng Scene of Crime Operatives ng Valenzuela City police.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na dahilan sa pagpapatiwakal ng biktima. Inaalam din kung may foul play sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply