24 trak ng basura naipon sa Laloma cemetery

NANGUNA sa may pinakamaraming basurang nahakot ng Metro Manila Development Authority (MMDA)  ang Manila North Cemetery sa paggunita sa Undas.

Ito ay matapos umabot  sa 24 trak ng basura  ang nahakot ng MMDA Parkway and Clearing Group  sa nasabing sementeryo.

Nito lamang nakalipas na Nobyembre 1 ay milyong katao ang naitalang dumagsa sa  Manila North Cemetery at nakapagtala rin ng kalahating milyong indibidwal noong Nobyembre 2 na pumasok sa loob ng sementeryo.

Sa pagdagsa ng mga tao ay gatambak na basura naman ang iniwan sa  loob ng sementeryo dahilan upang umabot sa  24 trak  ang nahakot sa isinagawang clean up drive.

Sumunod sa may pinakamaraming nahakot na basura ang Manila South Cemetery sa Makati na may 189 trak ng basura.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply