$250,000 bigay ng Pinas sa mga biktima ng Hurricane Sandy

NABIGAY ng  $250,000 financial assistance ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga nabiktima ng superstorm Sandy sa East coast ng Estados Unidos.

Kinumpirma mismo ni US Ambassador Harry Thomas Jr.  ang pagbibigay ng pamahalaan ng  Pilipinas ng $250,000 financial assistance sa American Red Cross.

Ipinaabot ni Thomas pasasalamat sa gobyernong Aquino sa ipinagkaloob na tulong sa mga   naapektuhan ng Superstorm Sandy.

Batay sa ulat, 65 ang iniwang patay sa pananalasa ng Hurricane Sandy sa Carribean Sea, 51 sa mga biktima ay pawang taga-Haiti na pinakamatinding nasalanta ng kalamidad.

Pawang mga residente naman ng bansang Cuba, Bahamas, Jamaica at Puerto Rico ang mga nalalabing biktima.

Ayon kay Haitian Prime Minister Laurent Lamothe, daan-daang bahay at ilang tulay ang nawasak sa kabisera na Port-au-Prince.

Aminado si Lamothe na panibagong dagok ang pananalasa ng bagyo lalo’t hindi pa sila nakarerekober sa magnitude 7 na lindol noong 2010 na ikinamatay ng mahigit 300,000 katao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply