28 pasahero sugatan sa aksidente sa Star Tollways

UMAABOT sa 28 pasahero ang sugatan matapos na maaksidente ang isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Star Tollway sa Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, binabaybay ng Dimple Bus ang Star Expressway mula sa Maynila patungong Batangas nang mawalan ito ng preno at pilit na pinasasad sa gilid ng bangketa.

Nagawa ng drayber na kabigin ang manibela hanggang sa mahulog ito sa konkretong kanal na ikinasugat ng ilan sa mga pasahero nito.

Agad naman dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima pero ilan sa kanila ay pinauwi na dahil nagtamo lamang ng minor injuries.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply