29,182 pamilya natulungan ng CHOW ni Recom

UMABOT sa 29,182 pamilya ang natulungan ng City Hall On Wheels (CHOW) na proyekto ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na layuning mabigyan ng serbisyo ang mga residente sa buong lungsod kahit na hindi umaalis ang mga ito sa kanilang barangay.

Ayon kay Echiverri, kabilang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng CHOW ay ang mobile clinics, free medical and dental consultations, employment assistance, vocational and technical employment assistance, free legal services, assistance to senior citizen, sports clinics, de-clogging of canals, feeding programs, urban gardening, implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pa.

“We have brought city hall closer to the people through our CHOW program. When people are not able to go to city hall, we bring our various services right to your barangays”, sabi pa ni Echiverri.

Tinutukan din ng administrasyon ni Echiverri ang kalusugan ng mga residente kung saan ay umabot sa P32 milyong halaga ng medical equipment ang binili ngayong taon na siyang ginagamit sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) dahilan upang tumaas ang bilang ng mga outpatient services.

“Before my term ends, we shall be able to see the construction of a new hospital in North Caloocan. The people had requested for this, and now your wish shall be granted”, sabi pa ni Echiverri na nasa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng lungsod.

Bukod dito, nagkaroon na rin ng 465 medical and dental mission ngayong taon sa bawat sulok ng lungsod kung saan ay 205 daycare centers din ang minamantine ng lokal na pamahalaan at aabot sa 20,000 kabataan ang pinagsisilbihan.

Patuloy din ang pagbibigay ng suporta ng administrasyon ni Echiverri sa tatlong outreach centers na kinabibilangan ng Social Development Center, Tahanang Mapagpala at Yakap Bata Holding Center.

Sinabi pa ni Echiverri na magpapatuloy ang pagbibigay nito ng makabuluhang proyekto sa mga residente ng lungsod kasabay ng pagpapasalamat kay Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri dahil sa pakikipagtulungan nito sa mga programa ng lokal na pamahalaan sa bawat barangay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply