2W Relay For A Cause

HINDI pa man natatapos ay masasabi kong tagumpay ang programang ito ng Department of Transportation & Communications (DOTC). Katulong ang Motorcycle Rights Organization o MRO, ARMAS NG MOTORISTA, PNP, DepEd, LTO, MMDA, Motorcycle Development Program Participants Association, at marami pang iba ay nag byahe ang mga riders, may grupo man o indibiduwal, gamit ang kanilang motorsiklo upang umikot sa bansa at ipasa ang symbolic flag ng 2Wheel  Relay For A Cause mula sa isang lalawigan papunta sa susunonod na probinsya. Itong programa ay pinangunahan ni DOTC Assec. Dante Lantin. Nagsimula sa General Santos City noong Setyembre 22, ito’y magtatapos sa Quezon Memorial Circle sa Nob. 18. Ngayong araw ang mga rider marahil ay nasa Angeles, Pampanga na at ang iba naman ay nasa Cabanatuan City papuntang Malolos, Bulacan. Kasama ni Assec. Lantin ang mga chairman at pangulo na sila Jobert Bolanos ng MRO, Rod Cruz ng ARMAS, at maging si Buboy Lejano ng MDPPA.

Ang 2W Relay For A Cause ay mayroong slogan o temang “Call for Action, Unity, Safety & Equality.” Maliwanag naman ang hangarin diba? Pero teka lang. Alam naman natin na sa bawat magandang hangarin ay mayroong lilitaw na problema paminsan-minsan, sadya man o hindi. Ang ganda ng pakikisama ng mga rider sa isa’t isa, akala mo’y matagal na silang magkakakilala. Ngunit pagdating ng La Union, kung saan ay all-out ang support ng kanilang lokal na pamahalaan ay malaking pwersa ng La Union MotorCycle Philippines Federation (LUMCPF) ang biglang bumaklas sa convoy at hindi na nagpatuloy na sumama pa. Ito’y kahit na nagsabi ang kanilang pangulo o lider na tatapusin ang motorcade. Ang LUMCPF ay nasa ilalim ng MotorCycle Philippines Federation (MCPF) sa pangunguna ng kanilang pangulong si Atoy Sta. Cruz. Nabasa ko rin sa Facebook ang medyo mahabang statement ng LUMCPF ukol sa isyu. Paiksiin ko na lang po. Sila’y inimbitahan ng LTO Region 1 at ng DOTC. Pero sinasabi rin nila na hindi inimbitahan ang MCPF dahil wala daw ang kanilang logo sa mga tarpaulin kaya hindi daw ito unity ride. Asus! Ilang imbitasyon ba ang gusto niyong matanggap para maramdaman ninyo na imbitado at kasali kayo?

Lintik na logo yan. Dahil walang logo ayaw niyo na ng unity? Yan ba ang tunay na rider? Tsk tsk. Tapos nag-iyakan pa kamo ang grupong iniwan niyo? Why resort to things like this? Imbes na ayusin ay pinalalala pa.

Malapit na ang Pasko. Sana’y maayos pa rin ito. At doon naman sa isang taga DOTC na nagsabi na “ganyan nman mga reporter kulang sa pansin my ma-report lang,” taga DOTC ka naman pala e bakit hindi ka nagtanong-tanong dyan kung ano talaga ang nangyari. Wag mo namang lahatin ang mga reporter. Tama bang sabihin kong ganyan naman mga taga gobyerno e, korap?

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply