3 bata tusta sa sunog

TATLONG bata ang naitalang nasawi sa naganap na magkakahiwalay na sunog kaninang madaling araw.

Nasawi ang magkapatid na sina Raymond Jr, 7; Roselyn, 4, makaraang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Baseco compound, Port Area, Maynila.

Ayon sa ama ng dalawang biktima na si Raymond Buelbar, Sr., ipinagtataka niya kung paanong nakalikha ng apoy sa kanilang tahanan gayong wala naman umano silang iniwang gasera o kandila noong umalis siya kasama ang  isa pang anak patungong Divisoria para magbagsak ng panindang bawang.

Habang patay din ang anim na taong gulang makaraang masunog din ang kanilang bahay sa Fatima compound, Zapote, Las Piñas City.

Nabatid na hindi nakalabas ang biktimang si Angelo Satur sa kanilang tahanan nang matupok ng apoy ang kanilang tahanan.

Sinasabing itinatali umano siya ng kaniyang mga magulang sa kama kapag natutulog dahil may diperensiya ito sa pag-iisip.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply