3 dayuhan napadpad sa Sulu, nasagip ng PN

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Navy (PN) ang mag-asawang dayuhan at kanilang 8 taong gulang na anak na babae matapos na magkaaberya ang sinasakyang yate at mapadpad sa karagatan ng Sulu.

Sa ipinarating na ulat ng PN sa Phlippine Coast Guard (PCG) ang mga bikima ay nakilalang sina Gino Wattier, 62- anyos, misis na si Kamaria Nassabia Adoudou, 45, anak na si Baraka Wattier ng Tahiti, French Polynesia.

Ayon sa PCG, nagpapatrulya ang mga tauhan ng PN nang mamataan ang mga biktima na palutang-lutang sa karagatang sakop ng Sulu na sakay ng MV Iroisez Yacht.

Nasira umano ang naturang yate kaya agad itong hinila ng sasakyang pandagat ng PN at dinala sa headquarters ng 4th Special Forces Battalion ng Philippine Army sa may Barangay Recodo sa Zamboanga City.

Nabatid na ang mag-anak ay bumiyahe pa mula sa Papua New Guinea papunta sa Africa.

Nang masira ang center post ng yate ay hindi na umano ito umandar hanggang mapadpad sa karagatan sa probinsya ng Sulu.

Dinala naman sa tanggapan ng Bureau of Immigration Zamboanga City ang tatlong banyaga at nalaman na ligal ang paglalayag nila.

Naipasuri na rin ang tatlo sa Human Quarantine Regional Office-9 para siguraduhing wala silang dalang sakit kung saan nagnegatibo naman ang pamilya sa anumang uri ng nakahahawang sakit.

Ayon sa PCG, titiyakim muna nilang maayos ang yate ng pamilya bago nila payagan muling makapaglayag upang makabalik sila sa kanilang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply