3 kelot huli sa tangkang pagpatay sa Caloocan

arrest

KAHIT nabuhay ang pinagtangkaan patayin ng tatlong kelot, nadakip din ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest sa Caloocan City.

Kinilala ni Chief Insp. Crisanto Lleva, deputy chief ng Northern Police District Special Operation Unit ang mga suspek na sina Jayson Adriano, 25; Alvin Sison, 26 at Jhonny Danuco, 28, pawang ng Libis Nadurata ng lungsod.

Sa ulat, alas-6:30 ng umaga nang arestuhin ang mga suspek sa nasabing lugar sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Remigio Escalada Jr., ng RTC Branch 123.

Sa record ng mga pulis, noong Mayo 17, 2012 nang pagtulungan bugbugin at pagsasaksakin sa likod ng basag na bote ang biktimang si Sumilang Bravo sa nasabing lugar.

Nabuhay ang biktima at nagdemanda at nang lumabas ang warrant of arrest ay dinakip ang mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply