3 malubha sa bus accident sa Misamis

AGAW BUHAY ngayon ang tatlong katao mula sa 58 na pasahero na sugatan sakay ng pampasaherong bus na naaksidente sa Brgy Jampason, Jasaan, Misamis Oriental.

Batay sa paunang ulat, sumabog ang gulong sa unahan ng Batman mini-bus hanggang sa bumangga sa puno ng gemelina kahapon ng hapon.

Una rito, nanggaling ang bus sa bayan ng Balingoan at papunta sana sa Cagayan de Oro.

Ayon kay PO3 Henry Gordon Gabia, imbestigador ng Jasaan Police Station, ang bus ay minamaneho ni Roger Macabinlar na kabilang sa nasa kritikal ang kalagayan at nilalapatan ng lunas ngayon sa Northern Mindanao Medical Center.

Nasa kritikal na kalagayan din ngayon ang isang kinilalang Rosita Sawitan at ang dalawang menor de edad.

Karamihan sa mga biktima ay nasa pagamutan pa dahil sa mga sugat at pasa sa kanilang mga katawan.

Nabatid pa sa imbestigasyon ng mga awtoridad na overloaded ang bus dahil mayroon lamang itong mahigit 20 passenger seating capacity subalit nang maganap ang aksidente ay meron itong kabuuan na 58 pasahero.

Inihayag pa ni Gabia na kasong reckless imprudence resulting to mulitple injuries ang isasampang kaso sa driver, habang nahaharap din sa civil liability ang may-ari ng bus na si Francisco Hoy na
taga-lungsod ng Cagayan De Oro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply