3 mangingisdang nasagip sa Vietnam uuwi sa bansa bukas

NAKATAKDA nang makabalik sa Pilipinas ang tatlong mangingisdang Pinoy na nasagip sa Vietnam bukas, Nobyembre 15.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, inaasahang mapapuuuwi na sa bansa ang naturang mga mangingisda bukas.

Nakahanda na ang pagre-repatriate sa tatlong naturang Pinoy.

Matatandaang nangingisda sa bahagi ng Spratly ang mga mangingisdang Pinoy nang tangayin ang mga ito ng malaks na alon at mapalad na sa baybaying sakop ng Vietnam hanggang masagip ng Vietnamese vessel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply