3 miyembro ng sindikato ng credit card nadakip

BUMAGSAK sa kamay ng Quezon City Police ang tatlong miyembro ng sindikato ng credit card matapos madakip sa loob ng  isang mall sa Quezon City, iniulat ng pulisya ngayon.

Kinilala ni Supt. Ramon Pranada, hepe Quezon City Police District station 7 Cubao ang mga nadakip na sina Chelo Alamagi, 23, ng Everlasting St., Bogambelya Subd., Las Piñas City; Red Lopez, 29, taga-Lanai Condo, Brgy. Libis, QC; at Mark Atienza, 26, ng Green Park, Cainta, Rizal.

Agad inaresto ng security guard ang mga suspek makaraang mabuko ng kahera ng Shopwise Mall sa Araneta Center, Cubao, QC  ang kanilang iligal na aktibidades.

Ayon kay SPO1 Fernando Santiago, dakong alas-7:30 kagabi nang pumasok ang mga suspek sa mall at nagkunwaring mga kustomer.

Sinabi sa ulat na napansin ng kahera na si Jessica Franco, na nagpanggap na kostumer ang mga suspek at ginamit ang pekeng credit card.

Umabot sa kabuuang P14,000 ang pinamili ng mga suspek at tinangkang bayaran ang mga pinamili gamit ang credit card na may pangalan na Renz Ramos, Mary Ann Castro Dulce.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 8484, o estafa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply