3 orchid collector nahulog sa bangin, dedo

TATLONG kalalakihan na nagongolekta ng orchids ang namatay nang mahulog sa may 40 metrong bangin sa Tagaytay City nitong Lunes ng hapon (Nobyembre 5), ayon sa ulat ng pulisya.

Sinabi ni Cavite police chief Senior Superintendent John Bulalacao na dalawa sa mga biktima na sina Jaime Daño at Rogelio Lara ay namatay noon din habang ang isa pang biktima na si Michael Solis na nakahingi pa ng tulong sa mga residente ay namatay din sanhi ng tinamong pinsala sa sa ulo at katawan.

“Ito ay mga naghahanap ng orchid at bonsai sa Tagaytay,” pahayag pa ni Bulalacao.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-3:20 nitong Lunes ng hapon sa bangin sa Iruhin Central area malapit sa Tagaytay Highlands.

Bago ito, nagtungo sa lugar ang mga biktima para maghanap ng bonsai na mga orchid para ialok sa mga orchid collector.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, dumulas ang mga biktima sa kanilang tinatatapakang lupa kaya nahulog ang tatlo sa bangin at namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply