3 partylist group pumasa sa Comelec

brillantes

IPINAHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na tatlong bagong grupo, na kinabibilangan ng public utility drivers, laborers at mga matatanda, ang pinayagan ng Commission en banc na makalahok sa 2013 party-list race.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. , inaprubahan ng poll body ang partylist application ng mga grupong Piston, Ating Agapay Sentrong Samahan ng mga Obrera (Aasenso), at Aagapay sa Matatanda.

Dahil dito, sa ngayon ay 13 na ang mga partylist group na inaprubahan ng poll body na makalahok sa darating na halalan.

Tatlo sa mga ito ang nakakuha ng unanimous vote habang 10 naman ang divided na boto.

Inaasahan namang bago matapos ang Nobyembre ay mailalabas na ng Comelec ang pinal na listahan ng mga party-list group na makakalahok at hindi makakalahok sa 2013 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply