3 pulis, gang lider sugatan sa pagsabog ng granada

SUGATAN ang tatlong pulis at ang lider ng tinaguriang Perez robbery group nang masabugan ang mga ito ng inihagis na granada ng lider ng sindikato sa lalawigan ng Agusan del Sur sa bayan ng San Francisco kagabi.

Ayon kay Agusan del Sur police provincial officer S/Supt. Glenn de la Torre, rumisponde ang ng tatlong pulis ng nasabing bayan kaugnay sa naganap na robbery sa isang bakeshop dakong alas-7:00 kagabi at nakuha sa grupo ng suspek na si Ondong Perez ang P600 na salaping cash.

Isang impormante umano ang tumawag sa tanggapan ng pulisya nang makita sa bisinidad ng merkado-publiko ang grupo ni Perez na siyang responsable sa sunod-sunod na bus at establishment robberies ng nasabing lalawigan kung kaya’t nagsagwa na sila ng operasyon.

Nang makita sila ng grupo ni Perez ay hinagisan sila ng granada na nagresulta ng pagkasugat ng tatlong pulis.

Ang isa sa mga pulis na nasa malubhang kalagayan ay dinala sa isang ospital sa lungsod ng Butuan, habang ang suspek na si Perez at dalawa pang pulis na tinamaan ng shrapnel ay dinala naman sa DO Plaza Memorial Hospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply