3 sasakyan nagkarambola sa Quezon: 13 sugatan

SUGATAN ang may 13 katao makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Tagkawayan, Quezon kaninang umaga.

Bandang alas-5:15 kaninang madaling araw nang mangyari ang insidente sa Quirino Highway sa Barangay San Vicente kung saan patungo sana sa Maynila ang isa sa sangkot na sasakyan na ten-wheeler truck na minamaneho ng isang Avelino Pagangan Jr. Papunta naman sa Bicol ang kasalubong nito na isa pang ten-wheeler truck na minamaneho ni Buhay Tolentino na sinusundan ng RSL bus.

Sinasabing nag-overtake ang driver ng bus na si Jose Butala sa truck na minamaneho naman ni Tolentino kung kaya nabangga ng una ang kasalubong pang trak.

Sumampa ang minamaneho ni Butala sa gilid na kanang bahagi ng kalsada habang ang truck na sinusundan ng bus ay sumabit naman sa nakabanggaan nitong truck.

Nasugatan si Tolentino na isinugod sa pagamutan kasama ang ilan pang biktima na nagtamo ng mga pasa at gasgas sa kanilang mga katawan sina Eya Miguel Adonis, 29, Tabacco City; Resina Pacu, Imus Cavite; Jose Mary Briones, 29, Naga City; Marcos Pacheco Pueblo, 39, Guinobatan Albay; William Andal, 31, Malate Manila; Glen Sarmiento, 31, Imus Cavite; Robert Dialdal Dayao, 21, Naga City; Shendy Mae Warde Del Rosario, 29, Legazpi; Don Sayangco, 37, Bula Camarines Sur; Riel Bongaris, 33, Tabacco City; Mileton Sarita Jr., 41, Bula Camarines Sur; Nadien Almunes y Alto Naga City.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries at double damage to properties ang mga driver.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply