3 sugatan sa pag-take off ng eroplano sa Aklan

SUGATAN ang tatlo katao na tumilapon sa damuhan makaraang mabugahan ng malakas na hangin ng isang eroplano na papa-take-off sa Kalibo International Airport sa Brgy. Pook, Kalibo Aklan.

Kinilala ang mga biktima na sina April Joy Gallito, 19, ng Metro Manila, Reywel Fernandez ng Kalibo, Aklan, at Lyn Germoso ng Sagay City, Negros Occidental.

Nabatid na papunta sana sa Barangay Tambak, New Washington, Aklan ang magkakabarkada sakay ng isang motorsiklo.

Ngunit nang matapat ang mga ito sa kalsada ng airport ay eksaktong papalipad na ang eroplano na naging dahilan kaya nahagip sila ng jet blast na nagresulta sa aksidente.

Kasalukuyang naka-confine ang mga biktima sa  Aklan Provincial Hospital na nagtamo ng mga galos sa katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply