3 sundalo patay, 1 tinangay ng NPA sa Davao ambush

NAPATAY ang tatlong sundalo samantala isa ang nawawala makaraang tambangan ng rebeldeng komunista sa Lungsod ng Davao.

Ayon sa pahayag ni Col. Lyndon Panisa, spokesperson ng 10th Infantry Battalion, ang apat na militar ay pabalik sa kanilang kampo matapos maghatid ng supplies na pinamili sa palengke sa Brgy. Mapula, Pakibato District, Davao City nang sila ay tambangan sa Sitio Singko.

“Wala pong mga armas ito at naka civilian,” ayon kay Panisa.

Ang apat na sundalo ay minabuting hindi na magdala ng armas sa pag-aakalang hindi sila aatakihin ng mga reblede dahil sa umiiral Comprehensive Agreement on Human Rights at International Humanitarian Law.

Ayon kay Panisa, sumaklolo ang mga opisyal ng barangay sa lugar na pinangyarihan at nakuha ang mga labi ng mga biktima na iniulat na pinagbabaril ng 10 rebelde.

Ayon kay Panisa, ang grupong Pulang Bagani Command 1, ng NPA  ang responsable na ginawang pang-aambush sa mga biktima.

“Ngayon conduct tayo pursuit operations kasi hawak pa nila iyong isang sundalo natin… Naghahain din tayo ng violation sa CAHRIHL,” ani Panisa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply