3 tepok, 1 kritikal sa aksidente sa Legazpi City

accident

NAMATAY ang tatlong katao samantalang kritikal naman anga kondisyon ng isa pa matapos bumangga ang sinasakyang kotse sa poste ng telepono sa Barangay Rawis, Legazpi City.

Kinilala ni Police Supt. Oscar Regala, hepe ng Legazpi City Police, ang mga biktima na sina Voltaire Salcedo, 30-anyos; Andrew Salcedo 18-anyos; at Johnny Borromeo, 17-anyos.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Bicol Regional Hospital ang sugatan na kinilalang si Nico Paje, 17-anyos.

Batay sa imbestigasyon, galing umano sa isang birthday party ang mga biktima bago maaksidente dakong alas 11:00 kagabi.

Nabatid na nakainom at lasing na lasing ang mga biktima at mabilis ang pagpapatakbo, at nawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito kaya sumalpok sa poste.

Batay sa ulat, halos dalawang oras na naipit ang mga biktima sa wasak na wasak na Ford Link Sedan na may plakang WPY 941, bago tuluyang maalis ng mga rescuer.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima pero idineklara na ring patay bunga ng malalang pinsalang inabot sa kanilang katawan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply