3 tirador ng panabong na manok, tigbak sa engkuwentro

RIZAL – Patay ang tatlong lalake na umano’y miyembro ng kilabot na kawatan ng manok na panabong matapos na makipagbarilan sa pulisya nang masukol kaninang madaling araw sa bayan ng Tanay.

Sa ulat ni Tanay PNP chief P/ Supt Samuel Delorino kay Rizal PNP director P/Sr. Supt. Rolando Anduyan, dakong ala-1:30 nang makatanggap ng report mula sa concern citizen ang pulisya kaugnay ng presensiya ng puting Mitsubishi Adventure na walang plaka at isang itim na motorsiklo na ginagamit sa pagnanakaw ng mga panabong na manok.

Agad na naglatag ng checkpoint ang pulisya sa lahat ng exit point ng bayan ng Tanay para maharang ang mga suspek at sa posibleng pagka-aresto ng mga ito.

Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maharang ng isang team ang mga suspek sa kahabaan ng Manila East Road, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal.

Sa halip na huminto ay bumirit ang dalawang sasakyan kung saan ay binangga nito ang barikada na inilatag ng kapulisan dahilan para magkaroon ng habulan.

Habang tumatakas ay nagpapaputok ang mga suspek kung kayat napilitang gumanti ang mga awtoridad.

Hindi nagtagal ay nasukol ang mga ito subalit patuloy sa pagpapaputok kung kayat tuluyan na silang inupakan ng mga pulis na nagresulta sa kanilang kamatayan habang nakatakas naman ang sakay ng motorsiklo.

Narekober ng Scene of the Crime Office (SOCO) ang tatlong revolver, limang basyo at 12 piraso ng cartridge at ang Mitsubishi adventure na ginamit ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply