3 Urban terrorist ng ASG arestado sa Basilan

crazy

TATLONG miyembro ng Urban terrorist group ng ektremistang Abu Sayyaf ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulis kanina sa bayan ng Lamitan, Basilan.

Ayon kay AFP 1st Infantry Tabak Division spokesman Capt. Alberto Caber, pinaniniwalaang kabilang ang tatlong nadakip sa serye ng kriminalidad sa Lamitan gaya ng serye ng kidnappings, bombings, motorcycle robbery at pamamaslang ng mga prominenteng tao, mangangalakal at mga sundalo at puls sa lalawigan.

Nabatid na isinailalim ang tatlo sa tactical interrogation kaugnay na rin sa nangyaring pagpatay kay Isabela City Election Officer Daryl Kinazo.

Kinilala ang nadakip na spotter din ng ASG Urban Terorist Group na sina Patek Samson alyas Mungkos, ng Zamboanga City; Jimboy Sahabat Mandul, ng Barangay Talon-Talon, Zamboanga City at Hamid Damain ng Brgy. Sinulatan, Tuburan.

Sinabi pa ni Caber na planong maglunsad ng pagdukot ang Urban Terrorist Group ng Abu Sayyaf sa ilang prominenteng tao sa  Lamitan.

Nakuha sa posesyon ng tatlo ang isang .45 pistol na loaded ng isang metal magazine, anim na live ammunitions na may silencer pa.

Kinasuhan na ang tatlo ng illegal possession of firearms, ammunition and explosives.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply