30 bahay, naabo sa Cotabato City

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Tinatayang mahigit 30 bahay ang naabo sa Purok Sampalok, Mother Barangay Bagua, Cotabato City.

Ayon kay Kapitan Perry Palakala, nagsimula ang apoy sa bahay ni Barangay Kagawad Ela Biruar pasado alas 3:00 ng hapon.

Ayon naman kay Biruar, hindi nila batid kung ano ang pinagmulan ng apoy dahil nagpapahinga siya ng magsimula ito.

Ayon  kay City Fire Marshall Adama Guiamad, hindi pa tiyak kung ano talaga ang sanhi ng naturang sunog.

Ayon sa kanilang inisyal na imbestigasyon, tinutupok na ng apoy ang bahay ni Biruar nang madatnan nila ito.

Nang madamay ang katabing bahay nito, saka na sumiklab ang apoy dahil sa putukan mula sa pinaniniwalaang mga fire crackers.

Ayon kay Guiamad, umabot ng isa at kalahating oras bago nakapagdeklara ng fire-out.

Aniya, dikit-dikit at yari sa light materials ang mga bahay sa lugar kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

Nagpasalamat din si Guiamad sa mga firetruck mula sa Office of the regional governor ng ARMM at Chinese Volunteer Fire Brigade.

Samantala, nagsagawa ng feeding program ang Philippine Red Cross, Cotabato City Chapter sa mga nawalan ng bahay at ari-arian.

Pinangunahan ni PRC Cotabato City chapter Director Bai Fatima Sinsuat ang pagpapakain sa mga biktima ng sunog.

Namigay sila ng makakain sa mga residente bandang 6:30, kagabi.

Kaninang umaga, namigay din sila ng hot meals para sa mga nasunugan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply