300 kolorum na taxi nahuli ng LTFRB

UMABOT na sa 300 kolorum na AUV (Asian Utility Vehicles) Taxi ang nahuhuli ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

BSa ulat na inilabas ng NCRPO, nasa 29 kolorum na AUV taxi ang nasakote ng NCRPO sa isinagawang operasyon sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.

Sa naturang datos, anim na kolorum AUV ang nahuli sa kahabaan ng Quezon Boulevard, Agoncillo at Nakpil St. sa Maynila; 18 sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Muntinlupa, Las Piñas at Taguig; at lima sa kahabaan ng Marcos Highway sa Pasig City.

Nadagdag ang 29 bagong mga huli sa kabuuang 172 na nahuli ng NCRPO at LTFRB mula nang umpisahan ang kampanya nitong buwan ng Oktubre.  Bukod pa ito sa higit 100 nahuli ng NCRPO bago makipagsanib ng puwersa sa LTFRB.

Ayon kay NCRPO Director, Chief Supt. Leonardo Espina, patuloy ang operasyon at panghuhuli sa mga kolorum na AUV Taxi upang masugpo ang talamak na holdapan sa mga pasahero at masawata ang mga nangongolorum na tsuper lalo na iyong mga pulis at militar na ginagamit ang posisyon upang hindi makaiwas sa huli.

Samantala, sa ulat ng Southern Police District, nasa 48 katao ang panibagong inaresto dahil sa pag-inom sa mga kalsada ng Makati, 15; Las Pinas, 15; Taguig, 3; at Muntinlupa, 15.  May kabuuang 552 katao na ang nadadakip ng SPD mula nang umpisahan ang kampanya laban sa mga lasenggo sa kalsada.

Nasa 70 kabataan naman ang panibagong inaresto ng SPD na lumalabag naman sa curfew.

Umaabot sa kabuuang 1,084 kabataan ang dinadampot ng pulisya, pansamantalang dinadala sa mga barangay hall habang isinasailalim sa seminar ang mga pabayang magulang bago pakawalan ang mga teenager.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply