31 inabusong OFWs sa Kuwait, nakauwi na

DUMATING na sa Ninoy Aquino International Airpot (NAIA) ang 31 inabusong manggagawang Pilipino, sakay ng Kuwait flight mula sa Kuwait.

Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon na karamihan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ay biktima ng pagmamaltrato at ng pang-aabusong sekswal.

Nabatid na tumakas sa kani-kanilang mga amo, undocumented at dating miyembro ng OWWA ang naturang OFWs.

Ayon kay Dimzon, isasailalim sa stress debriefing ang grupo bago pauwiin sa kani-kanilang mga probinsya

Ang pagbibigay ng exit visa sa mga nasabing manggagawa ay bahagi ng Accelerated Repatriation Program ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment kung paano mabigyan ng pansamantalang pangkabuhayan ang mga umuwing manggagawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply