3rd anniv ng Ampatuan massacre ginunita

ampa3

“KATARUNGAN, tuloy ang laban.” Ito ang isinisigaw ng mga miyembro ng National Press Club na nagmartsa patungong Mendiola para iparating sa Malakanyang ang kanilang pagkadismaya sa mabagal na usad ng kaso ng Maguindanao massacre.

Pinangunahan ni NPC President Benny Antiporda kasama ang iba pang grupo ang naturang kilos-protesta para gunitain ang ikatlong taong anibersaryo ng karumal-dumal na masaker.

Ipinarada ng mga mediamen ang 32 kabaong na sumisimbolo sa 32 mamamahayag na kasama sa 58-katao na pinaslang sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Pagdating sa Mendiola ay nagsagawa ng programa ang mga mamamahayag kung saan pinagbabato ng itlog ang nakangiting larawan ni Zaldy Ampatuan, isa sa pangunahing suspek sa karumal-dumal na masaker.

Sinunog din ang effigy ng “Impunity Monster” na sumisimbolo sa kawalan ng katarungan para sa mga biktima ng masaker.

Samantala, iniulat ng Vienna-based International Press Institute (IPI) na may kabuuang 119 journalist na sa buong mundo ang nasawi ngayong taon lamang habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Pinakamataas na bilang ay naitala sa Syria, kung saan 36 media practitioners ang napatay. Pumapangalawa ang Somalia na mayroong 16 na pinaslang na journalists na sinundan ng Mexico, Pakistan at Pilipinas.

Habang nakiisa rin sa panawagan kahapon ang Canadian government ng hustisya para sa mga biktima ng November 23, 2009 Ampatuan massacre.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply