4 huli sa P15 milyon halaga ng shabu

shabu

AABOT sa P15 milyon halaga ng shabu ang nasamsan ng mga tauhan ng PNP–Anti Illegal Drugs  Special  Operation Task  Force  at Philippine  Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos  madakip  ang apat na suspek kabilang ang dalawang Chinese nationals sa isinagawang operasyon sa Quezon City  kaninang  umaga.

Kinilala  ang mga  nadakip na sina  Byron Pornillosa, 32, walang trabaho ng Pagbilao, Quezon, Arnold Laluces, 44 ng Rosario Pasig City , kapwa Filipino at ang Chinese nationals na sina Sam Ming Hei, 22, at  Ming Tony Molina, 28.

Nadakip  ang apat  sa  isinagawang operasyon  ng mga awtoridad  sa panulukan ng Economia at Industria Sts., Brgy., Bagong Bayan, QC.

Nakumpiska sa mga suspek ang may tinatayang 3 kilo  ng hinihinalang shabu, sasakyan, limang cellphones at 4 na wallet na gagamiting ebidensiya laban sa mga suspek.
Ang  operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng SOU 3 ng AID  SOTF, PDEA at QCPD.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply