4 isinugod sa ospital dahil sa hypertension

MULING nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko lalo na ang mga matatanda na ugaliing magdala ng tubig sa kanilang pagdalaw sa sementeryo dahil sa init ng panahon.

Kasunod ito ng napaulat na ilang mga matatanda ang kailangang isugod sa ospital dahil sa hypertension.

Bagamat mas kaunti ngayon ang pumapasok sa sementeryo at hindi na gaano siksikan ay mas mabuti pa rin umanong manigurong magdala ng tubig na maiinom dahil sa pabago-bagong init ng panahon.

Dahil dito, nanantili pa rin ang mga ambulasya ng Philippine Red Cross sa loob ng sementeryo upang agad na makapagbigay serbisyo sa mga nangangailangan lalo na sa oras ng aksidente at aberya.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply