4 katao sugatan sa bagong pag-atake ng Israel sa Gaza

MULI na naman umatake ang Israel na nagresulta sa pagkakasugat ng apat katao sa paglulunsad ng airstrike sa Gaza.

Napag-alaman na tinamaan ng airstrike ang National Islamic Bank sa Gaza nang sorpresang umatake ang Israel.

Sinasabing apat na rocket ang pinakawalan malapit sa media center.

Parehong lugar ito sa unang tinamaan ng missiles kahapon.

Noong araw ng Linggo, ilang Palestinian journalists ang sugatan at sinasabing namatay matapos isang missile ang tumama sa media tower block sa sentro ng Gaza City.

Sa kasalukuyan abala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para alamin kung may mga Pilipino na nadamay sa airstrike.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply