4 murder suspect sumuko bitbit ang mga armas

APAT na kalalakihan na target ng manhunt operation ng militar dahil sa pagkamatay ng isang barangay chairman ang sumuko sa mga awtoridad bitbit pa ang kanilang high-powered firearms sa probinsiya ng Lanao Del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, kinilala ang mga suspek na sina Dato Otog, Alemodin Madid, Nasser Sultan at Satar Madid na pawang residente ng nasabing lalawigan.

Ang apat ang sinasabing bumaril at nakapatay sa kapitan ng Barangay Lumbac, Bayang, Lanao del Sur noong Oktubre 31.

Ramdam umano ng apat na lumiliit na ang kanilang mundong ginagalawan dahil sa pinaigting na manhunt operation na ipinatupad ng PNP at militar para madakip sila kaya makalipas ang ilang araw ay sumuko rin ang mga ito.

Bitbit ng mga suspek sa kanilang pagsuko ang tatlong M16 armalite rifle, isang M14 rifle at mga bala ng iba’t ibang baril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply