4 na bomba narekober sa Sultan Kudarat

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Kasabay nang paggunita sa ikatlong taong anibersaryo ng Maguindanao massacre, ay nagulantang ang mga residente ng Isulan, Sultan Kudarat matapos makarekober ang mga awtoridad ng apat na bomba malapit sa roundball sa nabanggit na bayan, kahapon.

Sa panayam ng Remate kay Police S/Supt. Rolen Dela Cruz Balquin PESE, provincial director ng Sultan Kudarat PNP, sinabi nito na dalawang cartrige ng 81mm at dalawang 50mm mortar na nakalagay sa isang motorsiklo ang kanilang narekober kasama ang mga detonating devices nito kagaya ng cellphone.

Masuwerteng hindi sumabog ang mga bomba matapos mag-malfunction ang mga nasabing device.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng motorsiklo.

Sa ngayon, hindi pa matiyak ng pulisya kung may kaugnayan sa paggunita ng ikatlong taong anibersaryo ng Maguindanao massacre ang pagkarekober ng nasabing mga bomba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply