4 na classroom ng USLS-IS sa Bacolod nasunog

TINUPOK ng apoy ang apat na classroom ng isang pribadong paaralan sa Bacolod City kaninang madaling araw.

Nasunog ang silid-aralan ng grades 1-C, 1-D, 1-E at 2-A ng University of St. Lasalle Integrated School (USLS-IS).

Bandang alas-12:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy at tuluyang idineklarang fire under control matapos ang 20 minuto.

Wala namang naiulat na sugatan sa insidente gayunman ay napinsala ang ilang kagamitan ng paaralan.

Tinatayang aabot sa P350,000 ang halaga ng pinsala ng apoy.

Dahil sa insidente, suspendido ang klase sa grade 1 at 2 sa nasabing paaralan.

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply