4 na kidnapper timbog sa Sultan Kudarat

TACURONG City, Sultan Kudarat – Hindi na nakalusot ang apat na miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) group na naaresto sa isang checkpoint sa Isulan ng lalawigan.

Kinilala ni Police Senior Superintendent Rolen dela Cruz Balquin ng Sultan Kudarat Provincial Police Office ang mga nahuli na sina Kaharudin Odin, Jimmy Abbas, Benjar Salik, at Ismael Lantenge na pawang mga residente ng probinsya ng Maguindanao.

Nahuli umano ang apat na lulan sa isang Tamaraw FX sa checkpoint sa Isulan, Sultan Kudarat.

Batay sa impormasyon, pupunta sana sa Tacurong City ang apat para kausapin ang mga kasamahan sa kanilang plano.

Ayon kay Balquin, target umano ng grupo ang isang negosyante sa rehiyon subalit hindi naman pinangalanan para na rin sa seguridad ng mga ito.

Nakuha ng pulisya sa mga suspek ang dalawang granada, shotgun at mga bala.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply