4 OFW na namatay sa Saudi hindi pa maiuuwi

IKINALUNGKOT ng pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ulat na aabutin pa ng isang buwan bago maiuwi sa Pilipinas ang bangkay ng apat na Pilipino na namatay sa aksidente sa Saudi Arabia nitong panahon ng Eid’l Adha.

Sinabi ni OWWA Administrator Carmelita Dimzon na ito ay dahil sa kailangan munang imbestigahan ang aksidente at aabutin ito ng isang buwan bago mailabas ang resulta.

Ayon kay Dimzon, naabisuhan na ang pamilya ng mga biktima na mga miyembro naman ng OWWA.

Sa paunang ulat, nakaidlip umano ang Bangladeshi na supervisor ng grupo na siya ding nagmamaneho ng van, nang maaksidente ito sa bahagi ng Dammam.

Umabot sa 15 Pinoy ang iniulat na nasangkot sa naturang aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply