4 tiklo sa P15-M shabu sa sting operation sa Kyusi

NAKUMPISKA ng awtoridad ang may tatlong kilong methamphetamine hydrochloride o shabu na tinatayang may street value na P15 milyon sa apat na natiklong drug pusher sa isang sting operation sa Quezon City, Miyerkules ng umaga.

“Tatlong kilo ‘yan. Ang estimated [worth] P5 million per kilo, P15 million yan. [Pero] gagawa pa tayo ng official inventory,” pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency head Arturo Cacdac Jr.

Dalawa sa mga naarestong suspek ay mga Pinoy habang ang dalawa naman ay Chinese na ang isa pa ay nagtangkang tumakas pero nahuli rin sa Pasig City.

Kinilala ni Cacdac ang dalawang Pinoy na sina Byron Formilloso at Arnold Laluces habang ang dalawa namang banyagang tulak din ng droga ay pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan alinsunod sa ikakasang interogasyon.

Sinabi ni Cacdac na ang ikinasang sting operation ng PDEA ay isang follow-up sa naunang pagsalakay sa isang drug laboratory sa Caloocan City at sa isang drug facility sa Quezon City.

“(Wala kaming nahuli noon) pero merong personality kaming sinubaybayan,”  dagdag pa nito.

Ikinasa ang pagsalakay sa Calle Industria sa Barangay Bagumbayan sa Quezon City na kilalang lugar na pinamumugaran ng mga kilabot na mga drug pushers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply