4 todas, 4 kritikal sa selosong mister

PATAY ang apat katao habang apat din ang sugatan makaraang mag-amok ang dating seaman sa Brgy. Bagumbong, North Caloocan kagabi.

Unang binaril ng suspek na si Rolly Rapit ang live-in partner nito na si Eden Dela Cruz sa loob mismo ng kanilang bahay gamit ang .9mm na baril saka lumabas at pinagbabaril ang mga nag-iinuman sa isang birthday party kung saan nasawi naman ang mismong may kaarawan na si  Arnold Dizon.

Todas din ang bisita ni Arnold na si Beth Templonuevo at anak nitong si Benjamin.

Habang kritikal naman sina Archie Artuge, Julius Bernardo, Maria Lagonero at Jovet Ricana.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, selos ang itinuturong motibo ng pamamaril dahil sinasabing nangangaliwa umano si Eden.

Naaresto naman si Rapit ng mga rumespundeng pulis na nagtangka pang tumakas.

Narekober kay Rapit ang baril na ginamit na posibleng maharap sa patung-patong na kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply