40 trak ng basura, nahakot sa mga sementeryo sa MM

MATAPOS ang paggunita sa Undas, trak-trak na ng basura ang nahakot ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa mga sementeryo sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, halos 40 trak na ng basura ang nahakot mula sa walong pangunahing sementeryo sa Kalakahang Maynila.

Kabilang sa mga ito ay ang Manila North at South cemetery, La Loma Cemetery, Loyola Memorial Park, Libingan ng mga Bayani, San Juan at Valenzuela Public Cemetery at sa sementeryo ng Pasig at Pateros.

Karamihan ng nahakot na basura ay mga plastic bottle, styrofoam, supot at tirang pagkain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply