43 pang partylist group, laglag – Comelec

TABLADO na ang 43 pang partylits group matapos idiskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec).

Sa ngayon, hindi pa pinangalanan ang nasabing mga organisasyon na hindi na pahihintulutan pang makalahok sa darating na 2013

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, napagkasunduan nila sa commission en banc na huwag payagang makalahok ang mga grupo dahil sa iba’t ibang rason.

Hindi naman umano nakasunod sa panuntunan ng poll body ang karamihan sa mga ito na bagong aplikante rin.

Sinabi ng poll chief na bahagi ng paraan upang malinis ang hanay ng gobyerno at maiwasan ang duplication of task sa Kongreso ang kanilang hakbang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply