450 tanim na marijuana binunot sa Magpet, N. Cotabato

KORONADAL CITY – Aabot sa 450 puno ng marijuana ang binunot ng mga awtoridad kahapon sa bayan ng Magpet, North Cotabato partikular sa Barangay Salab.

Kaugnay nito, dalawang suspek ang hinuli dahil sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga naturang halaman.

Ang pagsawata sa iligal na gawain ay pinangunahan ni Magpet PNP Sr. Insp. Sunny Leoncito katuwang ang pamunuan ng Barangay Salab sa pamumuno ni Kapitan Ferdinand Cariaga.

Kaugnay nito, ihahain ngayong araw ang kaso laban sa mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9175 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nakasaad sa batas na ito ang pagsisisiguro sa integredad ng bansa at sa mga mamamayan nito lalung-lalo na sa mga kabataan sa epekto ng mga iligal na gamot at ipinagbabawal din nito ang paggamit at pagtangkilik sa mga ito.

Samantala, dinala na sa Police Provincial Crime Laboratory sa Barangay Poblacion ang mga nakumpiskang puno ng marijuana.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply