48 anyos na teacher, dinukot sa Zambo City

zamboanga-city-2

ISA na namang hinihinalang kaso ng kidnap for ransom ang naitala nang puwersahang tangayin ng mga armadong kalalakihan an gang isang guro na misis ng isang prominenteng negosyante sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa Camp crame, bandang alas 7:00 ng gabi ay dinukot ng may 13 armadong kalalakihan ang maestrang si Flordeliza Ongchua Ramones, 48 anyos, isang elementary teacher ng  Barangay Labuan west coast ng Zamboanga City.

Ayon sa ulat, sakay ng dalawang sub machinegun mounted na pumpboat na nakasuot ng military at PNP uniform at armado ng mahahabang baril ang mga suspek.

Sa pahayag ni Faye, anak ni Flordeliza, nagtungo muna ang mga armado sa bahay ni Barangay chairman Oning Maravilla, subalit wala ang barangay official ng mga oras na iyon at sumunod na pinuntahan ay ang tahanan ng mga biktima.

Sinasabing bigla na lamang lumitaw ang mga suspek na nagpanggap pang mga miyembro ng militar at maritime police at agad dinis-armahan ng mga suspek ang isang pulis na si PO3 Romeo Quillo ng kanyang 9mm na baril na naka-duty sa Community Police Assistance Center (COMPAC).

Sumunod na dinis-armahan nito ang isang security na nagbabantay sa labas ng gate ng pamilya Ongchua at kinuha rin ang armalite rifle nito.

Dito na nagkaroon ng pagkakataon ang mga suspek na wasakin ang main gate at pasukin ang bahay ni Maravilla subalit dahil walang tao, lumipat ang mga ito sa kabilang bahay ng gurong dinukot na pinsan naman ng barangay kapitan.

Nabatid na noon pa nakakatangap ng pagbabanta si Maravilla maging ang pamilya ng Ongchua sila ay dudukutin.

Samantala, blanko pa rin ang Zamboanga City police sa pagkakikilanlan ng grupo na responsable sa pagdukot sa guro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply