49 na Pinoy mula Syria, balik-Pinas bukas

NAKATAKDANG dumating bukas, Biyernes ang 49 na overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang Syria.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang bagong batch ng repatriates ay inaasahang lalapag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang alas-4:00 ng hapon, lulan ng Emirates flight EK 332.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa kabuuang 2,930 ang bilang ng mga Pinoy worker sa Syria ang nailikas ng pamahalaan.

Sinabi ni DFA Spoksperson Raul Hernandez na hangga’t nasa peligro ang kalagayan ng mga Pinoy sa nasabing bansa, tuloy-tuloy umano ang panawagan ng pamahalaan sa mga ito na umuwi na sa Pinas.

Ayon kay Hernandez patuloy ang ginagawang repatriation program ng pamahalaan dahil patuloy pa umano ang karahasan sa bansang Syria.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply