5 araw matapos ang boxing match, Indonesian boxer namatay

dead (2)

BIGLANG namatay ang Indonesian flyweight boxer na si Okson Palue limang araw matapos ang kanyang eight-round fight kontra kay Gerry Dio Toisuta na ginanap sa Kupang City, Indonesia.

Nauwi sa tabla ang laban ng dalawa at may pagkakataon na naging matindi ang palitan nila ng suntok. Matapos ang laban ay parang wala namang nangyari.

Nanatii pa rin sa ringside si Okson dahil sinuportahan niya ang kanyang kababayan na si Tommy Seran na idinepensa ang korona na WBO Asia Pacific light flyweight title laban sa Pinoy boxer na si Fernando Ocon.

Pero ilang sandali lamang ang nakalipas, biglang natumba ang Indonesian boxer at inireklamo ang umano’y pamumulikat ng paa.

Isinugod ito sa ospital at matapos ang checkup ay pinauwi na rin ito sa kanilang bahay.

Pero nitong nakaraang Lunes ay muling nagreklamo ito ng pananakit ng mga paa kaya muli itong itinakbo ng ospital.

Pero ngayon ay lumabas ang balita na pumanaw na ang boksingero.

Inaantay pa ang official medical bulletin kung ano ang ikinamatay ng boksingero.

“We’re all sad about this incident. At this moment, we’re trying to compile all necessary documents in order to claim to the insurance company,” ani Syarifudin Lado, ang matchmaker ng laban batay sa pahayag sa pp-pertina.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply