5 board of directors ng Aman Futures lumapit sa NBI

KUSANG nagsisuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang limang miyembro ng Board of Directors ng Aman Futures Group Inc. sa ulat ng awtoridad

Ani Justice Secretary Leila de Lima, lumapit sa NBI at sumuko sina Leila Lim Gan, Eduard Lim, Wilanie Fuentes, Nazelle Rodriguez at Lurix Lopez kasama ang kanilang mga abogado saka nangakong makikipagtulungan para maresolba ang kaso ng P12 bilyong pyramiding scam na bumiktima ng libo-libong investor, partikular sa Visayas at Mindanao.

Bukas, isasalang sa preliminary investigation ng binuong panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang mga akusado.

Sa kabuuan, may anim nang miyembro ng Aman Futures ang hawak ngayon ng awtoridad.

Unang sumuko si Donna Coyme na financial manager ng kumpanya at hiniling na ikonsiderang state witness.

Patuloy namang pinaghahanap ang utak ng pyramiding scam na si Manuel Amalilio.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply