$5-M nakulimbat ng bagman ni Genuino sa casino project

NAKAKULIMBATumano ng $5 Milyon ang itinuturong na bagman ni dating Philippine Gaming Corp. (Pagcor) Chair Efraim Genuino na si Rodolfo Soriano, consultant ng naturang kumpanya .

Sa exclusive report ng Reuters kaugnay ng ginawang pag-imbestiga ng US gaming regulators sa milyong dolyares na naibayad ng affiliates ng Japanese billionaire na si Kazuo Okada ng Universal Entertainment Corp. kay  Soriano noong panahon na ang kumpanya ni Okada ay naglala-lobby para manalo ng concessions para sa $2-billion casino sa  Manila Bay, Philippines.

Isang Universal subsidiary ang diumano’y nagbayad ng $5-M noong May 2010 kay Soriano batay sa pagbusisi ng Reuters sa mga bank records, corporate filings, court documents at records mula sa Universal’s staff.

Ibinayad umano ang $5-M sa pamamagitan ng isang shell company sa Hong Kong na bahagi ng $40 milyon na nai-transfer ng Universal’s US affiliate Aruze USA. Ang fund transfers ay kasalukuyang binubusisi ng mga imbestigador sa US.

Sinasabing ang document trail na nakakonekta kay Soriano para sa $5-M payment ay hindi agad naiulat. Lumabas din umano na si Soriano ay nagsilbing bagman ni Genuino batay sa isang investigation report.

Sa panig ng kasalukuyang Pagcor management, sinabi ni  Pagcor legal counsel Jay Santiago na ang bagong pagbubunyag na ito ay malaking tulong sa korporasyon upang higit na mapalakas  ang kasong plunder na naisampa nila kay Genuino at kanyang mga associates.

Sinasabing si Genuino at mga tauhan nito ay nagkamal umano ng salapi ng bayan noong siya pa ang chairman ng Pagcor.

“We will refer this matter to Justice Secretary Leila de Lima and to the National Bureau of Investigation, and wait for their recommendations,” pahayag ni Santiago .

Hindi naman makausap si Soriano para sa kanyang komento sa usaping ito.

Noong June 2010, si Soriano kasama ni Genuino ay nagtungo sa Wynn Macau kung saan ang  Universal ang naglaan ng kanilang gastusin na may halagang  $2,974.70 kasama na ang  $25  ni  Soriano para manuod ng sine.

Si Genuino ay nagbitiw sa Pagcor bilang chairman noong June 2010 habang si Soriano ay nagbitiw sa  Pagcor bilang consultant isang araw matapos mag resign si Genuino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply