5 miyembro ng ‘basag kotse gang’ huli sa Pasay

behind-bars

NAGWAKAS na ang pamamayagpag ng limang kilabot na miyembro ng “basag kotse gang” nang maaresto ng mga barangay tanod matapos maaktuhang binabasag pa ang salamin ng isang nakaparadang kotse sa pasay City, kaninang madaling araw.

Kinilala ni Eng. Ruben Abello, chairman ng Barangay 52 Zone-7 ng lungsod ang mga suspek na sina Jerome Estrada, Tristian Lumban, Alfredo Maso, Jaylord Aguasa, at Fernando Ongyan, pawang residente ng lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-5:15 ng umaga nang maaktuhan ng mga barangay tanod ang mga suspek na binabasag ang salamin ng kotse na may plakang TIP-906 na nakaparada sa Taft Ave. kanto ng Cartimar sa nabanggit na lungsod.

Agad na humingi ng ayuda si Bienvenido Racho sa awtoridad na sina PO3 Aniceto Artuz at PO2 Warren Santos ng PCP-3 na ikinaaresto ng limang suspek.

Nananawagan si Chairman Abello sa mga naging biktima na agad magtungo sa Station Investigation Detective Management Section ng Pasay City Police upang kilalanin ang mga nadakip na suspek upang masampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply