5 QC police, pinadidis-armahan ng CHR

CHR

INIREKOMENDA  ni Commission on Human Rights National Capital Region (NCR) Investigation Chief Atty. Carmelita Rosete kay Chairperson Etta Rosales na hilingin sa pamunuan ng QCPD na madis-armahan ang limang pulis Quezon City na isinasangkot sa bigong pag-salvaged kay Rommel Solarte noong November 4, sa PHILCOA, QC

Ito’y matapos makatanggap ng report ang CHR na nangangamba sa kanilang seguridad hindi lamang ang mismong kamag-anak ng tinangkang likidahin kundi maging ang iba pang naglakas-loob na magbulgar sa tiwaling gawain ng grupo ni PO1 Jomar Torapiel.

Ayon kay Atty. Rosete ngayong araw ay makikipag-koordinasyon na sila sa pamunuan ng QCPD upang maipasa na nila ang hawak na dokumentong magpapatunay sa alegasyon ni Solarte.

Inamin na rin ni QCPD Anonas Police Stn.9 Commander Richard Fiesta na tauhan nga nila ang limang pulis na kinabibilangan nina PO1 Glen Laron ; SPO1 Alejandro Dano-og; SPO1 Mando Rivera; SPO1 Jose Agob at  PO1 Jomar Torafiel.

Samantala, nakatakdang ihaharap ngayong umaga sa tanggapan ni Quezon City Police Director Mario dela Vega ang mga inakusahang mga pulis para sa police line up.

Itinuro ni Solarte ang mga pulis na silang dumampot sa kanya bago siya itinali matapos balutan ng masking tape sa kanyang mukha bago pagbabarilin sa isang madilim na bahagi sa lugar ng Philcoa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply