5 rebelde nasakote ng militar sa Samar

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Army ang limang armadong kalalakihan na hinihinalang mga rebelde o mga lawless element sa may Barangay Canhumawid, bayan ng Gandara, lalawigan ng Samar.

Sa ulat ng militar na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio Taguig, nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Army 43rd Infantry Battalion at PNP ang mga hinihinalang rebelde sa liblib na bahagi ng Brgy. Canhumawid, bandang alas-8:00 ng umaga kamakalawa

Nakuha sa pag-iingat ng mga hinihinalang rebeldeng komunista ang apat na caliber .45 pistola na may mga bala, hand grenade, explosive devices at mga miliitary back packs.

“Your 8ID will pursue its mandate of protecting the community against all forms of threat. We will not tolerate any unauthorized persons or groups to bear firearms and carry explosives,” ayon kay 8TH Infantry Comannder Army Mgen Gerardo T. Layug

Habang isinusulat ang balita ay inihayag naman ni 8TH ID Spokesman Maj Gene Orense na inilipat nila sa kustodiya ng Gandara Municipal Police Station ang mga nadakip para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Kasabay nito, napalaban naman ang mga tauhan ng Bayanihan teams ng 34th Infantry Battalion sa isang pangkat ng NPA sa Brgy. Jangtud, Palapag, Northern Samar.

Nasugatan sa nasabing sagupan si Pfc Joseph B Griego habang tinitiyak naman ng military na nalagasan din ang kabilang panig.

“We will be unrelenting in our efforts of conducting ‘Bayanihan’ activities in the communities in order to uplift the lives of the people in the community,” ani Layug.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply