5 sugatan sa pagsabog sa South Cotabato

NASUGATAN ang lima katao at lumikha ng kaguluhan ang naganap na pagsabog sa Tantangan public market sa South Cotobato Lunes ng gabi.

Batay sa report ni Chief Inspector Dario Caladrana, hepe ng Tantangan municipal police, ang insidente ng pagsabog ay naganap dakong alas-6:00 kagabi.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga biktima ang mga nasugatan na sina Rogelio Olarte, 59; Almeda Badsidan, 31; at ang tatlong menor de edad, pawang residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nag-ugat umano ang pagsabog sa magka-away na angkan sa nasabing lugar.

Inaalam na rin mga bomb expert ng militar at pulis kung anong uri ng pampasabog ang ginamit sa pagpapasabog.

Samantala, nagpakalat na ng mga pulis ang Region 12 police command sa istratehikong lugar sa Tantangan, upang hindi umano maulit ang naganap na pagsabog.

Dahil sa matinding takot, isinara na ng mga stall owner ang kanilang puwesto sa paligid na pampublikong pamilihan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply