5 sugatan sa salpukan ng UV express at Starex van

LIMA na ang sugatan makaraang magsalpukan ang isang UV express service at isang Starex van sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) bago sumapit ng Balintawak Toll Plaza kaninang umaga.

Bandang alas-10:58 ng umaga nang magbanggaan dalawang sasakyan at agad namang isinugod sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang mga sugatan na pawang lulan ng UV express van na may plakang TXV 388.

Kinilala ang mga sugatan na sina Cathrin Gallese, 42-anyos; mag-inang sina Erigel Claveria, 26-anyos at John Paulo, 5, pawang taga Project 8, QC; habang sugatan din si Christian Muñoz, 26-anyos.

Nagtamo naman ng matitinding sugat ang driver ng UV express na si Richard Abag, 39, taga-Maisan, Valenzuela City kung saan halos isang oras na inalis sa pagkakaipit.

dinala si Abag sa National Orthopedic Hospital at Gallese dahil pawang sa buto ang mga tinamo nitong pinsala.

Binabaybay ng UV express ang kahabaan ng northbound lane ng NLEX nang bumangga ito sa likuran ng isang pulang Starex van, na minamaneho ni Tony Gonzales.

Wala namang ibang nasaktan sa Starex van dahil tanging si Gonzales lamang ang sakay nito.

Ayon kay Gonzales, nagulat na lamang siya nang salpukin ang kanyang sasakyan ng UV express na mabilis umano ang takbo.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagpaikot-ikot ang dalawang sasakyan hanggang sa humambalang sa gitna ng kalsada.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply